top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Ilang payao ng mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal nawawala

4/27/24, 6:38 AM

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may mga nawawalang payao o fish-aggregating devices na ginagamit ng mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal, ngunit hindi pa nila masabi kung ninenok ito ng mga dayuhang nangingisda sa lugar.

"Ayon nga sa ulat, we have found out iyong mga ibang payao, pagdating doon ay wala na. I think, 10 ang nailagay if I am not mistaken, pero dalawa na lang ang nakita doon," ani BFAR Chief Information Officer Nazario Briguera sa isang televised briefing nitong Huwebes.

Sa kabila nito, hindi pa matukoy ng BFAR ang dahilan kung bakit nawawala ang mga naturang payao.

Paliwanag ni Nazario, maaaring tinangay ito ng mga alon o pwersahang tinanggal sa lugar.

Ang mga nasabing payao ay ibinigay ng BFAR sa Subic Commercial Association Inc. noong 2023 upang makatulong sa mga mangingisda na paramihin ang kanilang huli.

Dahil sa pagkawala ng ilang payao, napipilitan daw ang mga mangingisdang Pilipino na sumuong pa sa mas malalayong bahagi ng karagatan para dumami ang kanilang huli.

Nabibigyan naman ng pamahalaan ng kumpyansa ang mga mangingisda na paramihin ang kanilang huli dahil sa regular na presensya ng mga awtoridad sa karagatan, dagdag ni Nazario.

"Kung matatandaan natin, naging sunod-sunod ang operations ng BFAR at nakita natin na kapag may presensya ang pamahalaan doon sa area, ay mas nagiging confident ang ating mga mangingisda na mangisda," paliwanag niya.

Inilunsad ng BFAR kamakailan ang Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields and Economic Gains from the West Philippine Sea (LAYAG-WPS) sa Subic, Zambales na naglalayong mabigyan ng karadagang kagamitan at training ang mga Pilipinong mangingisda at kanilang mga pamilya.

Comments

שיתוף המחשבות שלךהתגובה הראשונה יכולה להיות שלך.
bottom of page