

HEADLINES
Iglesia Ni Cristo magra-rally kontra sa impeachment kay VP Sara Duterte
%20(2).jpeg)
2/21/25, 11:56 AM
Ni Tracy Cabrera
INC SENTRAL, Lungsod Quezon — Inanunsyo ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) na naghahanda ang kanilang mga miyembro na magsagawa ng rally para ipahayag ang pagtutol sa mga hakbang na i-impeach o alisin sa puwesto si Vice President 'Inday' Sara Duterte-Carpio.
Ito ang pinagbigay-alam ng INC sa kanilang plano na ideklara ang matibay na suporta sa pangalawang pangulo ngayong nahaharap ito sa mga batikos ng kanyang mga kritiko at kalaban sa politika.
“Ang mga kapatid sa INC ay naghahanda na magsagawa ng rally upang ipahayag sa lahat ng kinauukulan na ang INC ay pabor sa opinyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi sumang-ayon sa isinusulong ng ilang sektor na impeachment dahil maraming problema ang ating bansa na dapat unahin ng pamahalaan,” ayon sa religious group.
“Ang INC ay para sa kapayapaan. Ayaw natin sa anumang uri ng kaguluhan na manggagaling sa anumang panig,” dagdag pa nito.
Una rito, sinabi Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na hindi niya suportado ang mga plano na ipa-impeach si VP Duterte dahil hindi makikinabang rito ang sambayanan bukod sa lilikha pa ito ng hidwaan sa pamahalaan at mamamayan.