

HEADLINES
ICC: Dagdag na kaso pwede pang tanggapin;
Defense: Karapatan ni Duterte na makalaya

4/2/25, 7:25 AM
Malaki ang paniniwalang Inernational Criminal Court na marami pa ang maidadagdag sa kasalukuyang 43 na umanong extrajudicial killings sa Pilipinas na iniu-ugnay sa kasong crimes against humanity for multiple murder laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay napag-alaman mula kay ICC spokersperson Dr. Fadi El Abdallah habang inihahanda naman ng mga abogado ni Duterte ang petisyon para sa kanyang “interim release” mula sa piitan sa The Hague.
“Interim release is a right,” diin ni lead defense counsel NIcholas Kaufman.
Sa pahayag ni El Abdallah nitong Martes (Abril 1), inaasahan ng ICC na madaragdagan pa ang mga “sample” na kaso laban sa dating pangulo.
“This doesn’t mean that these are the only incidents that may be included in the charge,” paliwanag ni El Abdallah.
Una rito, kinuwestiyon ng Duterte camp ang kasong crimes against humanity dahil umano sa iilan laman ang mga paratang na pagpatay na ikinakaso sa kanya.
Ngunit ipinaliwanag ni El Abdallah na mga sample incidents lamang ang kasalukuyang nakahain sa ICC.
“These were a sample of incidents that are related, that were, for the purpose of issuing an arrest warrant, sufficient from the point of view of the judges, to sustain the charge of murder as crime against humanity, for the purpose of an arrest warrant, which is the first step in the judicial process,” ayon sa ICC spokesperson.
Sa darating na hearing sa Setyembre, kukumpirmahin naman ang mga kasong inihain at dito aalamin kungkailangan na ituloy ang paglilitis o hindi na.
Sa pagkakataon ito maaaring magdagdag ang mga prosecutor ng mga katulad na kaso at mga testigo, paliwanag ni El Abdallah.
Samantala sinabi naman ngi Kaufman na malaki ang tsansa na mapapayag ang ICC na pahintulutan na palabasin pansamantala si Duterte.
Tatlong dahilan lamang ang maaaring gawin dahilan ng mahistrado ng ICC upang ayawan ang petisyon para sa interim release ng dating pangulo.
“The first of which is the risk of flight, the second of which is the risk of interference of witnesses with the evidence and the third of which is the risk of continued crimes,” sinabi ni Kaufman.
Diin ng defense counsel: “None of those factors exist in the present situation. So there is a right for Mr. Duterte to be released. We are working on that, but the timing of when we intend to introduce such an application is yet to be decided.”