top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Hindi zero, kundi P733-M ititira ng Kamara P2-B 2025 OVP budget

9/12/24, 5:00 AM

Tatagpasin ng Mababang Kapulungan ng higit sa 60 porsiyento of P1.29 bilyon ang 2025 budget ng Office of the Vice President at ililipat ang malaking halaga dito sa mga programang madaling mapupunta sa mga distrito ng mga kongresista.

Hindi umano magkakatotoo ang sapantaha ni Vice President Sara Duterte na maaaring tanggalan ng alokasyon ang kanyang tanggapan sapagkat magtitira ng P733,198,000 para panggastos ng OVP sa darating na taon.

Ayon kay Duterte handa naman silang magtrabaho kahit “zero” budget ang ilaan sa kanila ng Kongreso. Sinabi niya na ito ay dahil sa pamumulitika ni Speaker Martin Romualdez na inaasahang magiging kalaban nito sa pagka-pangulo sa darating na presidential elections sa 2028.

` Pinabulaanan ng mga lider ng Kongreso at ng oposisyon sa pangunguna ng Makabayan bloc ang akusasyon.

Ayon kay Senior Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro inililihis lamang ni Duterte ang isyu upang umiwas sa mga paratang na nilulustay niya ang perang inilalaan sa OVP.

Se rekomendasyon ng Committee ng Appropriations sa isinagawang executive session kahapon, napagkasunduan umano ng 48 kongresista na tanggalin sa budget ng OVP ang P1,293,159,000.

Ang tatanggaling alokasyon ay ililipat na lamang ng Kamara para sa mga sumusunod:

-P646,580,000 Medical Assistant to Indigent and Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health

- P646,579,000 Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development

Matatandaang binatikos ni Duterte kamakailan ang umanoy mga anomalya pagpapamudmod ng AICS kung saan ipinapakita sa media na pumapapel ang mga kongresista.

Bagamat ang DSWD ang namamahala ng AICS program, ang pagtukoy ng malaking bahagi ng mga daang libong benepisaryo ay ipinauubaya na lamang sa mga mambabatas. Higit na malaking bahagi ng AICS budget ay napupunta umano sa mga distrito ng bawat kongresista at mga partylist organizations.

Mayroon din parte ang mga partylist at distrito mula sa MAIFIP para maitulong ng mga ito sa kani-kanilang mga constituents na nangangailangan ng tulong pang-medikal.

Noong Miyerkules (Setyembre 11), inakusahan ni Duterte si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, tagapangulo ng Committee on Appropriations, ng pakikipag-kutsaba kay Romualdez upang pahirapan ang kanyang opisina.

Photo from newsinfo.inquirer.net

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page