

HEADLINES
Higit sa dalawang dosenang world leaders dadalo sa Pope Francis funeral : Sino-sino sila?

4/23/25, 9:37 AM
Kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mahigit sa dalawang dosenang world leaders na dadalo sa libing ni Pope Francis, ang pinaka-respetado at minamahal na lider ng isang malayang bansa.
Sasamahaan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanyang kabiyak, ayon sa anunsyo ng Malacañang nitong Miyerkules (Abril 23).
“The President will attend the funeral of the Pope. The President and the First Lady will,” ayon sa text message sa Palace reporters ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ilang araw bago mailagak sa huling hantungan ang mga labi ni Pope
Francis, patuloy na dinadagsa ng mga mga sulat ng pag-simpatiya ang Vatican City.
May 26 na heads of states at mahahalagang indibidwal ang nagpasabi na dadalo sila sa libing. Kasama na ang mag-asawang Marcos sa kanila.
“We look forward to being there,” pahayag ni US President Donald Trump sa kanyang social media post. Kasama niya sa Vatican ang asawang si Melania.
Ngunit, nagsabi na agad si Russia President Vladimir Putin na hindi siya makapupunta. Si Putin ay posibleng hulihin sa utos ng International Criminal Court na nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Hindi pa nagbigay ng pahayag sina Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at President Xi Jinping ng China.
Katulad ni Putin, nahaharap din sa sakdal sa ICC si Netanyahu.
Isasama ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kanayang asawang si Olena Zelenska, sa pagputa sa burol ng yumaong papa.
Si United Nations Secretary General Antonio Gutierres ay nagpasabi na rin ng kanyang pagdadalamhati at personal na pagbibigayng huling respeto kay Pope Francis.
Mga dadalo sa funeral mula sa Europe:
- EU Commission chief Ursula von der Leyen at Antonio Costa, pinuno ng European Council
-UK Prime Minister Keir Starmer. Si King Charles III ay kakatawanin ni Prince William
-President Michael Higgins ng Ireland. Kasama niya ang asawa at si Prime Minister Michael Martin
-King Felipe at Queen Letizia ng Spain
-French President Emmanuel Macron na nagsabing obligasyon ito para sa kanya;
-Chancellor Olaf Schols at President Frank Walter Steinmeier ng Germany;
-President Andrezej Duda ng Poland. Kasama ang kanyang asawa
- Prime Minister Bart de Wever ng Belgium at ang mag-asawang King Philippe at Queen Mathilde
- Prime Minister Dick Schoof ng Netherlands at Foreign Minister Caspar Veldkamp
-President Marcelo Rebelo d Sousa and at Prime Minister Luis Montenegro ng Portugal
- President Tamas Sulyok ng Hungary
-Chancellor Christian Stocker ng Austria
-Slovenian president Natasa Pirc Musar at Prime Minister Robert Golob
- President Gitanas Nauseda ng Lithuania
- President Edgars Rinkevics ng latvia
-President Alar Karis ng Estonia
-Prince Albert II and Princess Charlene ng Monaco
-Prime Minister Kyriakos Mitsotakis ng Greece
-President Sergio Matarella at Prime Minister Giorgia Meloi ng Italy
-Switzerland Prwsident Karin Keller-Sutter
Mga dadalo mula South America
-President Javier Melei ng ARgentina
-Brazilian president Luiz Inacio Lula da Silva at asawang Janja
-President Luis Abinader ng Dominican Republic
-Ecuador zpresident Daniel Noboa
Asia
-Philippine President Ferdinand Marcos Jr. at asawang si Lizza
-East Timorese President Jose Ramos Horta
-Prime Minister Christopher Luxon ng New Zealand