top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Higit sa 60 universidad kinontra ang pag-dedma ng Malacañag sa EDSA People Power anniversary

2/24/25, 10:53 AM

Ni Samantha Faith Flores

Mahigit sa 60 unibersidad sa kapuluan ang nagpasyang pahintulutan ang mga estudyanteng pahalagahan at ipagdiwang ang diwa ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power revolution.

Nagpasya ang mga namamahala ng maraming paaralan na mag-deklara ng suspensyon upang i-protesta ang desisyon ng pamahalaang itigil na ang pagdeklara ng Peb. 25 bilang special non-working holiday.

Ayon sa kanila pilit na kinukumbinsi ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipabaon sa limot ang nangyaring pakikipaglaban ng mga Pilipino sa diktadurya na umiral noon pangulo ang kanyang ama, ang nasirang Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon sa De la Salle Philippines, nararapat na labanan ng mga Pilipino ang mga pagtatangkang burahin sa memorya ng bawat tao ang naging tagumpay ng EDSA revolution noong Pebrero, 1986.

Ayon naman sa Adamson University ang ginagawa ng pamahalaan ay isang “sinister strategy of sidelining history and downplaying the gains of freedoms in the EDSA People Power Revolution is not acceptable to us.”

Marami sa mga mag-aaral ang makikilahok sa pagbalik-tanaw sa nangyari noong mag-aklas ang mga Pilipino upang pababain sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos, ama ng kasalukuyang presidente na si Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

`Kasama sa mga nagsuspinde ng pasok sa Martes (Peb. 25) ang Adamson University, La Salle Greenhills, University of Sto. Tomas, Unviersity of the East, UP-Cebu, Xavier School, Apostolic Vicariate of Calapan Parochial Schools; 15 na sangay ng De La Salle Philippines, Imus INstitute, Kalookan Diocese Schools Association na may siyam na kasapi; St. Scholastica’s Academy sa Pampanga at Marikina and University of the Assumption.

Kasama rin sa nagdeklara ng pakikiisa sa diwa ng EDSA ay Philippine College of Commerce, Philippine Women’s Unniversity, FEATI University, Philippine College of Criminology, Trinity College, Maryhill School of Theology, St. Louis College Cebu at San Fernando City, St. Louis University at Saint Mary’s University, St. Gabriel Academy, St. James Academy, 11 paaralan ng Pasig Diocesan Schools Systems.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page