top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Herlene Budol sinadya nga bang madapa sa GMA Gala 2024

7/23/24, 11:19 AM

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakadapa at pagkakahulog sa entablado ni Herlene Budol habang rumarampa sa katatapos lamang na GMA Gala 2024.

Umaawra ang "Blackrider" star suot ang kanyang see-through gown sa annual fundraiser ng GMA Network nang bigla itong nadapa sa gitna.

Agad naman siyang tinulungan ng ibang artista na nasa entablado rin, kabilang si Barbie Forteza.

Sa kanyang X account (dating Twitter), ni-repost ni Herlene ang video ng kanyang pagkakadapa na may caption na, "Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka."

Dagdag pa niya, "Hangga’t may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa pamilya #GMAGala2024."

Sey ng ilang netizen, sinadya ni Herlene ang nangyari sa stage upang mang-agaw ng atensyon.

Tila may sagot diyan si Herlene. Sa isang hiwalay na post, sinabi niyang hindi dapat pagtawanan ang mga nadadapa.

"Sa palagay n’yo ba gusto ko madapa? Lahat ng tao nadadapa, naaaksidente, ang importante safe at ‘di nasugatan," aniya pa.

Ipinagtanggol naman si Herlene ng kanyang fans at sinabing wag raw sanang madapa ang mga hater nito. #

Comments

Partagez vos idéesSoyez le premier à rédiger un commentaire.
bottom of page