

HEADLINES
Heneral na testigo laban kay De Lima, uurong na

12/21/23, 10:35 AM
Humina pang lalo ang kasong kriminal laban kay dating Senadora Leila De Lima na isinampa sa ilalim ng pamahalaan ng dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Inamin ni retired P/Brig. Gen. Jerry Valeroso na tatalikuran na niya ang testimonya laban kay De Lima kung saan idiniin ng dating opisyal ng pulis na sangkot ang dating senadora sa kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Boni Tacardon, abogado ng nasasakdal, sumulat sa kanya si Valeroso upang ipaalam ang kanyang balak na pag-urong bilang testigo sa kasong kasalukuyang nililitis sa Muntinlupa City Regional Trial Court.
Ipinaliwanag umano ng retiradong police official na nais na niyang bigyan kalayaan ang mga taong “wrongfully charged” sa korte.
“I planned to recant in early 2019. However, due to fearing for my life and the safety of my family and loved one, I lost the guts to do so,” pag-amin ni Valeroso.
Ayon sa mga dokumento ng korte, 12 na ang mga testigong nag-urong ng testimonya laban kay De Lima na kalalaya lamang matapos na maditini simiula matapos na arestuhin noong Pebrero 24, 2017.
Siya ay nahaharap sa mga kasong pagtanggap ng suhol mula sa mga nagtutulak ng droga sa NBP habang siya ay nagsisilbing kalihim ng Department of Justice noong 2010 hanggang 2015.
Matatandaang idiniin ni Valeroso ang dating Cabinet official nang sabihin nito sa mga imbestigador na si De Lima ay isa sa mga panauhin ng convicted drug lord Herbert Colanggo na isinagawa sa NBP. Si De Lima ay kalihim ng DOJ nang panahon na iyon.
Si De Lima ay kalihim ng DOJ ng mga panahon na iyon. Sakop niya ang Bureau of Corrections.
Noong Pebrero, 2021, pinawalang sala si De Lima ng Muntinlupa RTC Branch 205 sa kasong isinampa rin ng Duterte administration.
“Not guilty” rin ang hatol sa isa pang kasong droga na dinesisyunan ng Muntinlupa RTC Branch 204 kamakailan lamang.