top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Harris lamang ng kaunti kay Trump ayon sa US presidential survey

7/26/24, 1:28 PM

Lamang ng dalawang puntos si Vice President Kamala Harris kumpara kay dating US President Donald Trump sa pinakabagong survey na isinagawa ilang araw matapos umatras si Pangulong Joe Biden sa US presidential race.

Batay sa ulat ng Forbes, nangunguna si Harris ng 44% laban sa 42% ni Trump sa Reuters survey na isinagawa sa 1,018 rehistradong botante noong Lunes at Martes.

May margin of error na 3 ang nasabing survey.

Sa nasabing survey, 56% ng rehistradong botante ang sumang-ayon sa pahayag na si Harris, 59, ay "mentally sharp and able to deal with challenges," kumpara sa 49% na nagsabi ng pareho tungkol kay Trump na 78-anyos na.

Tanging 22% ng mga botante ang nagsabi ng ganoon kay Biden.

Tinapos ni Biden ang kanyang re-election campaign matapos magdesisyong makabubuti sa kanyang partido at sa Estados Unidos kung magpopokus na lamang siya sa natitirang buwan ng kanyang termino.

Bago nito, nanawagan na kay Biden ang ilang Democrats at donors ng partido na umatras na ito sa presidential race dahil na rin sa kalusugan nito. Sa isang debate nila ni Trump, makailang ulit na tumigil sa pagsasalita si Biden na para bang nakalimutan ang mga susunod niyang sasabihin.

Samantala, 80% ng Democrat supporters ang nagsabing positibo ang kanilang pagtingin kay Biden, kumpara sa 91% na nagsabi ng pareho kay Harris.

Mayorya rin sa kanila ang nagsabing dapat suportahan ng partido at ng mga botante si Harris.

Inendorso man ni Biden si Harris bilang kahalili niya sa presidential race, hindi pa malinaw kung ito na ang magiging nominee o kung anong proseso ang gagawin ng Democrat party para sa pagpili ng kanilang bagong standard-bearer.

Si Harris ang posibleng maging kauna-unahang Black woman at unang Asian-American na mangunguna sa ticket ng isang major political party sa presidential race sa US.

Nakatakda ang US elections sa Nobyembre 5.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page