top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Ex-President Duterte arestado ng PNP-Interpol: Ipipiit sa ICC sa The Hague?

3/11/25, 4:35 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Inaresto ng pulisya si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang sinasakyang eroplano mula sa Hong Kong bandang alas-10 ng umaga nitong Martes.

Sa Malacañang, kinumpirma ng Presidential Communications Office na natanggap ng International Police-Manila madaling araw ng Martes ang international arrest warrant na ipinadala ng International Criminal Court.

Sinabi rin ng PCO na nasa mabuting kalagayan si Duterte matapos na suriin ng mga doktor ng pamahalaan ilang minuto matapos na siya ay makuha sa kustodiya ng mga pulis.

Iniimbestigahan ng ICC ang kasong crimes against humanity na inihain ng pamilya ng mga pinaslang na biktima ng drug war na isinagawa ng administrasyon ni Duterte simula noong 2022.

Ayon sa PCO isang ICC prosecutor general ang personal na maghahain ng warrant of arrest sa dating pangulo.

Inaasahan naman na kokontrahin ng Duterte camp ang pagkakadakip sa kanyan ng ICC. Matatandaang bumitaw noong 2018 ang Pilipinas sa pagsapi nito sa ICC.

Subalit malaki rin ang posibilidad na agad ilipad sa labas ng bansa si Duterte, dalhin at ipiit sa The Hague sa the Netherlands bago pa man makapaghain ng petition for habeas corpus sa Supreme Court ang kanyang mga abogado.

Inaasahan naman magpalabas agad ang SC ng temporary restraining order na pipigil sa kustodiya ni Duterte.

“Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan,” dagdag ng PCO.

Tinatantiya na aabot sa 20,000 katao ang pinatay noong magdeklara ng drug war si Duterte pagkaupo niya bilang pangulo noong 2022.

Si Duterte ang kauna-unahang pangulo o opisyal ng Pilipinas na ipinagharap ng sakdal sa international tribunal na marami na rin nahatulang chief of state dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan, kasama ang genocide.

Kasama ni Duterte sa kanyang pagdating ang asawang si Honeylet Avanceña. Sila ay dinala ng mga pulis sa Villamore Airport kung saan inaasahan ipagpapatuloy ang magproseso kay Duterte

Sumalubong sa kanya sa airport at nagtungo sa Villamor Airport sina Sen. Christopher “Bong” Go, dating Labor Secretary Silvestre Bello III at Atty. Victor Rodriguez, dating executive secretary ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr.

Hindi na muna pinahintulutan ng mga awtoridad na kausapin ng tatlo si Duterte.

Dalawang doktor lamang ni Duterte ang pinahintulutang tingnan ang kondisyon ng dating pangulong nagrereklamo ng pananakit ng likod.

Ayon kay Bello, inaasahan niyang susunod sa proseso ng international at local laws ang Interpol at ICC.

“They cannot implement it (warrant of arrest), dapat dadaan iyan sa ating judicial processes,” paliwanag ni Bello na dati ring justice secretary.

Nanawagan naman si Go sa mga mamamayan na ipagdasal ang dating pangulo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page