

HEADLINES
Donald Trump nagbantang kakasuhan ang Google

9/28/24, 8:20 AM
Binantaan ni Donald Trump ang Google na kakasuhan niya ito ng kasong kriminal dahil umano sa pagkiling laban sa kanya sa gitna ng kampanya para sa pampanguluhang eleksyon sa United States.
Sa isang social media post, pinagbintangan ni Trump ang tech giant na ipinapalabas lamang nito ang mga negatibong balita ukol sa kanya habang mga positibong balita lamang umano ang nilalabas nito ukol kay US Vice President Kamala Harris.
"It has been determined that Google has illegally used a system of only revealing and displaying bad stories about Donald J. Trump, some made up for this purpose while, at the same time, only revealing good stories about Comrade Kamala Harris," sabi ni Trump.
"This is an ILLEGAL ACTIVITY, and hopefully the Justice Department will criminally prosecute them for this blatant Interference of Elections. If not, and subject to the Laws of our Country, I will request their prosecution, when I win the Election and become President of the United States," dagdag pa niya.
Hindi naman nagpresenta si Trump ang ebidensya laban sa Google.
Itinanggi naman ng kumpanya ang akusasyong minamanipula nila ang resulta ng search results upang makinabang ang kampo ni Harris.
"Both campaign websites consistently appear at the top of Search for relevant and common search queries," sabi nito.
Patuloy naman sa kampanya sina Trump at Harris.
Binisita ni Kamala ang US-Mexico border upang ilahad ang kanyang immigration policy, habang nakipagpulong naman si Trump kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy.
Ang pagbisita ni Zelenskyy kay Trump ay naganap sa gitna ng pagdepensa ng Ukraine sa pagsalakay ng Russia.