top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

DOH nabahala sa pagdami ng aksidente sa kalsada, karamihan motorycle accidents

1/2/25, 7:57 AM

Nabahala ang Department of Health sa pagtaas ng aksidente na kinasasangkutan ng mga sasakyan, karaniwan ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

“Nadagdagan muli ang kaso ng namatay dahil sa aksidente sa kalsada. Karamihan dito ay sangkot sa motorcycle accidents,” ayon sa DOH.

Mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 2, 2025, umabot sa 577 ang naitalang aksidente, 33.5 porsiyente higit na mataas kung ikukumpara 432 disgrasya sa tulad na panahon noong 2024.


Sa mga naitalang kaso, higit na 500 indibidwal ang hindi gumamit ng safety accessories habang nagmamaneho at 108 dito ay mga lasing.

Sa anim na nasawing motorista at pasahero, apat dito ay namatay sanhi ng aksidente sa motorsiklo.

Dahil dito, nagbigay ng abiso ang mga eksperto sa DOH na:

-Huwag maging kampante sa galing mong magmotorsiklo dahil may iba ka rin kasama sa kalsada

-Huwag tamarin gumamit ng helmet, malayo o malapit man ang pupuntahan.

-Iwasang magmaneho ng lasing o pagod dahil maapektuhan nito ang koordinasyon, konsentrasyon at pagkilos sa mga biglaang sitwasyon sa kalye

-Sumunod sa speed limit at mga road signs upang masiguro ang kaligtasan at makaiwas sa mga aksidente.

-Matulog ng pito hanggang walong oras bago magbiyahe upang manatiling alerto.

-Huwag gumamit ng telepono at umiwas sa anumang distraksyon habang nagmamaneho’

Comments

Deel je gedachtenPlaats de eerste opmerking.
bottom of page