top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

DepEd: Private schools hindi obligadong magpalit ng school calendar

2/23/24, 6:00 AM

Ni MJ Blancaflor

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi obligado ang mga pribadong paaralan na ibalik ang lumang school calendar na nagsisimula tuwing Hunyo at nagtatapos ng Marso at may summer vacation na Abril at Mayo.

Sa isang pulong-balitaan, pinaliwanag ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na hindi mandatory sa mga pribadong institusyon ang pagpapatupad ng inilabas na Department Order 003 na nagtatakda ng end of school year sa Mayo 31 sa mga pampublikong paaralan.

"'Yung mga private schools na sumabay sa public schools na nag-open ng August, hindi naman sila mandatory na mag-adjust ng kanila school calendars. They still have the option to maintain their approved calendar or adjust accordingly," ani Bringas kahapon, Pebrero 22.

Ang inilabas ng department order ng kagawaran ay kabilang sa mga paghahanda para sa unti-unting pagbabalik ng lumang school calendar, kung saan ang buwan ng Abril at Mayo ang summer vacation ng mga estudyante.

Para sa taong 2024-2025, itinakda ang Hulyo 29 bilang simula ng klase at Mayo 16, 2025 bilang katapusan.

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, kinonsulta raw ng kagawaran ang mga guro, magulang, at mga mag-aaral bago ilabas ang department order.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page