

HEADLINES
Davide: “Extremely dangerous” para pakialaman ng Kongreso ang economic provisions ng Konstitusyon

2/6/24, 2:30 AM
Walang makitang matibay na dahilan si dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. upang amyendahan o baguhin ang umiiral na Saligang Batas.
ipinagmalaki ni Davide na ang kasalukuyang Konstitusyon ay bukod tangi sa buong mundo sa pagiging pro-human rights, pro-social justice at pro-people.
Sa halip na pakialaman ang Saligang Batas, dapat na lamang ipatupad ng buong-buo ang mga prinsipyo at polisiya na nakasaad dito.
Nagbabala siya na ang “extremely dangerous” (lubhang mapanganib) na pahintulutan na lamang ang Kongreso na mag-desisyon ng limitasyon ng pagmamay-ari ng Filipino sa pampublikong utilidad at negosyo sa advertising o pamamahayag.
Sa nasabing pagdinig, ipinahayag naman ni dating Supreme Court Associate Justice Vicente Mendoza na tama lang na magsama ang Kamara at Senado bilang isang kapulungan kung aamyendahan ang Saligang Batas.
“It is a non-legislative function. It is just as important as declaration of a state of war, which requires Congress to meet jointly as one assembly and vote separately,” paliwanag ni Mendoza.
Ayon sa retiradong mahistrado, dalawang ulit nang nagbigay ng pasya ang Supreme Court tungkol sa isyu ng tinatawag na constituent assembly.
Samantala, tinatantiyang tatapusin na ng Senado ang debate ukol sa RBH 6 sa darating na Oktubre, anim na buwan makaraan ang inaasahang pagtatapos nito sa darating na Abril.
“We will consult our colleagues if they’re happy with the hearings and if we’re ready for the plenary,” paliwanag ni Angara nang tanungin kung masusunod ang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pagsisimula ng debate sa plenaryo sa Abril.
Diin ni Angara, kailangang ng masusing pag-aaral at khigit na malalim na diskusyon tungkol sa Charter change sapakat ang Saligang Batas ay kakaiba at mahalagang batas.