

HEADLINES
Dalawang ex-cops nais isahan sa bentahan ang lupa ang pinatay na magkasintahan

7/8/24, 10:12 AM
Onsehan sa bentahan ng lupa ang umanoy dahilan ng pagpatay kina beauty pageant contestant Geneva Lopez at kasintahang Israeli Yitshak Cohen ng dalawang dating pulis sa Pampanga kamakailan lamang.
Sa isang pulong balitaan noong Lunes (Hulyo 1), sinabi ng Maj. Gen. Leo Francisco ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na pinatay nina Michael Angelo Guiang at Rommel Abuzo ang mga biktima nang magkita ang mga ito sa Barangay Armenia. Tarlac City.
Ayon kay Francisco ayaw ibalik ni Guiang ang lupang isinanla niya kay Lopez nang sabihin ng huli na ibebenta na nilang magkasintahan ito.
Sa pag-uusap nina Guiang at Lopez, nakumbinsi ng dating pulis ang dalaga na mayroon na siyang buyer ng lupa at ito nga ay si Abuzo.
Parehong nasibak sa tungkulin nila bilang miyembro ng Angeles City police sina Guiang at Abuzo.
“From that point, nagkita sila sa Barangay Armenia at binaril ng dalawang dating pulis na ito ang magkasintahan,” sabi ni Francisco.
Natagpuan ang mga bangkay ng magkasintahan sa isang quarry site sa Barangay Sta. Luicia sa Capas, Tarlac. Kapwa sila may tama ng dalawang bala sa ulo.
Ang dalawang umanong killers ay sasampahan ng kasong murder dahil sa patraydor at planadong pagpaslang sa mga biktima, paliwanag ni Francisco.
“A day before, sa aming imbesigasyon, ay nag-usap si Guiang at Abuzo tungkol sa gagawin nila sa magnobyong ito. So, there was that plan of killing itong magnobyo,” paliwanag ni Francisco.
Limang lalaki pa, dalawa dito ay hindi pa nadarakip, ang sangkot sa pagpaslang ayon sa pulisya.