top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Dalawang Chinese “spies” nasakote ng NBI

2/25/25, 1:55 PM

Ni Samantha Faith Flores

Dalawa pang Intsik ang inaresto ng mga awtoridad dahil umano sa pag-eespiya sa gitna na patuloy na iringan ng Pilipinas at China na nag-aagawan ng teritoryo sa South China sea.

Ang dalawang umanong espiya ay itinuturo na nagbigay ng pera sa dalawa pang kasapakat upang ipagmaneho sila sa Maynila habang gumagamit ng IMSI catcher.

Ang IMSI catcher ay isang aparato na nakakagaya sa kapabalidad ng cell tower at maaaring mag-intercept ng mga mensahe sa loob ng 1-3 kilometrong radius.

Napag-alaman na ang mga sasakyang gumagamit ng nasabing mga aparato ay kumikilos malapit sa mga lugar na sensitibo, kasama ang Malacañang, US embassy at mga kampo ng Aguinaldo, Crame at Villamor Air Base.

Ayon sa National Bureau of Investigation libo-libong mga data ang na-interecpe ng nga limang kalalakihan na naaresto noong Huwebes sa isang operasyon.

“These individuals were conducting covert and unauthorized intelligence gathering activities posing a threat to national security,” ayon kay Colonel Xerxes Trinidad, hepe ng AFP public affairs.

Ayon sa driver na kasama ng mga umanoy espiya, siya ay tumatanggap ng PHP3,000 bawat araw upang magneho sa Maynila habang gumagana ang box na IMSI cathcer.

Simula noong Enero, may limang hinihinalang espiya ng China ang nasakote na ng mga awtoridad ng Pilipinas.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page