top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Dahil sa paghupa ng Middle East crisis, PhP2.20 rollback inaasahan

6/30/25, 8:21 AM

Ni Samantha Faith Flores

Maligayang Hulyo ang sasalubong sa mga motorista matapos na mag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis na tatapyasan nila ng hanggang PhP2.20 bawat litro ang presyo ng kanilang mga produkto.

Bago ito, kinumpirma ni Department of Energy officer-in-charge Undersecretary Sharon Garin na nagkasundo ang apat na malalaking oil companies - Petron, Shell, Caltex at Cleanfuel - na magbigay ng diskwento para sa ng tsuper ng public utility vehicle na apektado ng nakababahalang pagtaas ng presyo dahil sa giyera sa Middle East.

Sa magkakahiwalay na pahayag nitong Lunes (Hunyo 30), nagsabi ang Seaoil at Cleanfuel na ang halaga ng krudo ay mababawasan ng PhP1.80 at PhP1.40.

Tinatantiya naman ng mga eksperto na malaman na tumaas pa ang kaltas presyo pagdating ng Martes.

Ang inaasahang rollback ay bunsod ng tigil putukan na pinagkasunduan ng magkaaway na Iran at Israel. Ang digmaan ng dalawang bansa ang tanging dahilan ng pagsipa hanggang sa PhP5.20 ng presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo.

Ito ang dahilan kung bakit hiniling ng pamahalaan sa mga oil companies na magpasunod ng mga paraan upang mabawasan ang masamang epekto sa publiko ng paglipad ng halaga ng mga produktong petrolyo.

Ang pagbibigay ng diskwento ay isa sa mga paraan na naisip ng mga oil companies.

Ang mga diskwento:

-Petron para sa mga Super Driver Cardholders: diskwento mula PhP0.5 hanggang PhP3 bawat litro para sa mga kasaling istasyon;

-Shell magbibigay ng PhP1 hanggang PhP5 bawat litrong diskwento para sa mga PUVs at PhP2 hanggang PhP3 bawat litro para sa mga TNVs;

-Caltex my PhP2.50 bawat litro ng gasolina; PhP1.50 para sa krudo at PhP10 para sa mga lubricant na bibilhin ng mga PUV;

-Cleanfuel - PhP1 bawat litro sa krudo; Php 2 para sa gasolina ng PUV at non-operator taxi sa pamamagitan ng Pasada card.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page