top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Dagdag sahod sa mga kasambahay sa Metro Manila dapat ipatupad sa Enero 4

12/27/24, 7:54 AM

Ni Samantha Faith Flores

Simula Enero 4, 2025, madaragdagan ng PHP500 ang buwanang minimum wage ng ng mga kasambahay sa Mero Manila.

Ayon sa Department of Labor and Employment ang nasabing sektor ay magkakaroon ng buwanang minimum wage na PHP7,000 dahil sa pagdagdag ng PHP500 sa darating na buwan.

Ipinahayag rin ng DOLE na inaprubahan na rin ng National Wages and Productivity Commission ang karagdagang suweldo para sa mga household helpers o kasambahay na naglilingkod sa Northern Mindanao.

Sa pag-apruba ng bagong wage order, itataas na ng NWPC ang buwanang minimum suweldo ng mga kasambahay sa PHP6,000, mula sa PHP5,000.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang dagdag na suweldo ay dapat ipatupad ng mga employer sa Northern Mindanao sa darating na Enero 12.

Nang tanungin si Laguesma kung ano ang magiging kaparusahan ng mga employers na lalabag sa wage order, ito ang sinabi ng kalihim:
“Ang pwedeng mangyari dyan dodoble iyong amount na dapat nilang bayaran depende sa circumstances.”

Idiniin ni Laguesma na ang pakakakulong ay hindi kasama sa mga parusang haharapin ng mga lumalabag na amo ng mga kasambahay.

Mangyayari lamang ang pagkulong sa mga employer kung sila ay mapatunayang nagmamaltrato o nananakit sa kanilang mga kasambahay.

Ipinahayag din ni Laguesma na maaring tumawag ang mga domestic helper sa hotline 1349.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page