top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Dagdag presyo sa mga produktong petrolyo nakaamba sa Martes

4/25/25, 12:02 PM

Ni Samantha Faith Flores

Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo makaraan ang dalawang linggo na lumagapak ito ng halos lagpas PhP3.00

Sa ikalawang pagkakataon simula noong Martes, madadagdagan na naman ang presyo ng mga produktong langis simula sa darating na Martes.

“Based on the monitoring in the international oil market, we will expect an increase in the prices of petroleum products next week,” ayon sa pahayag ni Asst. Director Rodela Romero ng Department of Energy- Oil Industry Management Bureau.

Matatandaang umabot sa PhP3 ang bawas presyo na ipinatupad ng mga oil companies isang linggo na ang nakakaraan.

Sa darating na Abril 29 naman ay magdagdag ng presyo ayon sa mga sumusunod:

Gasolina - PhP 0.80 hanggang PhP1.40 kada litro

Krudo - PhP 0.40 hanggang PhP 1.00 kada litro

Kerosena - PhP 0.50 hanggang PhP 0.70 kada litro.

Ipinaliwang ni Romero na ang ilang sa mga pandaigdigang usapin na nakaimpluwensya sa pagsipa ng presyo ng mga protuktong langis ay ang dagdag na sanctions ng US laban sa mga oil shipping network ng Iran.

Bumaba rin ang imbentaryo ng krudo sa USA.

“Final adjustments will be determined after today’s trading and oil companies inputs on their related costs,” ayon kay Romero.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page