top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

COVID-19 na dumapo kay Joe Biden: Mga dapat ikonsidera ng senior citizens

7/24/24, 10:07 AM

Bago magpasiyang umatras sa US presidential elections, si US President Joe Biden ay nag-positibo sa COVID 19.

Bagamat kumpleto ng bakuna at boosters shot laban sa COVID-19, tumalab pa rin kay Biden ang kinatatakutang virus. Ayon sa mga ekperto, malaking dahilan dito ang edad ng kasalukuyang pangulo ng Amerika na 81 anyos na.

Ayon sa isang artikulo sa Fox News, may mga kategorya ng mga tao ang higit na makararanas ng panganib ng COVID-19 kumpara sa ibang indibidwal. Pangunahin dito ang pagkatanda ng isang tao.

Ano ang dapat malaman ng mga senior citizens tungkol sa mga bagong strain ng COVID-19 na naglalabasan sa kasalukuyan?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang pangunahing ahensya ng US government laban sa mga malulubhang sakit, dapat mapagtanto ng mga nakatatanda na 81 % ng namatay na tao dahil sa COVID-19 ay mga indibidwal na 65 anyos at pataas.

Sa website ng CDC, idiniin ng ahensya na ang dami ng seniors na namamatay dahil sa COVID virus ay 97 beses na mataas kumpara sa mga taong 18 hanggang 29 taon gulang.

Sa panayam ng Fox News kay Dr. Norman B. Gayles na isang COVID expert, sinabi ng dalubhasang manggagamot na ang mga senior citizens na 80 anyos at pataas ay may mataas na mortality rate dahils sa sakit na ito dahil kinahaharap ng mga lolo at lola ang napakaraming health risks.

Ipinaliwanag ni Gayles na hinaharap ng mga elderly ang maraming nakapanghihinang problema dahil marami sa kanila ang mayroon pre-existing neurological condition na tulad ng Alzheimer’s o kaya Parkinson’s disease.

Pabagsak na rin ang immune system ng mga elderly citizens at ito ang isa sa mga dahilan ng pagkamatay dahil sa COVID-19.

Nagpayo si Gayles na kung ang isang taong diinapuan ng COVID-19 ay 80 anyos at higit pa, ang unang dapat gawin ay i-isolate o ihiwalay agad siya.

Panatiliin ang pasyente na ‘well-hydrated” at dapat bigyan siya ng maayos na pagpapahinga at malayo sa stress.

Sakaling ang kanyang symptoms ay hindi nawala sa loob ng 48 oras, dapat isangguni na sa doktor ang kaso para mabigyan ng higit pang mas akmang gamutan.

Inirekomenda ng doktor ang pag-inom ng Paxlovid o anumang nutraceuticals na may zinc upang patatagin ang immune system ng nakatatanda.

Inaprubahan ng US Food and Drug Administration noong Mayo, 2023, ang Paxlovid ay isang oral anti-viral pill na gamot para sa COVID 19. Tinatayang gumanda na ang kalagayan ng mga pasyenteng high risk tulad ng mga seniors matapos na inumin ang Paxlovid sa loob ng limang araw.

Maiiwasan umano ang pagpapa-ospital dahil sa bisa ng Paxlovid.

Nagtapos na noong Sabado ang limang araw na gamutan ng Paxlovid para kay Biden. Naniniwala ang mga ekperto na tumatalab sa kanya ang COVID-19 medication na ito.

Para sa mga octogenarian na tulad ni Biden, mahalagang ma -check kung ang kanyang mga mahahalagang organs ay hindi apektado.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page