top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Coritha, sikat na folksinger noong 70’s, pumanaw na sa edad na 73

9/28/24, 8:16 AM

Pumanaw ngayon Biyernes (Setyembre 27) ang Filipino folk singer na si Coritha na nakilala sa kanyang mga kantang “Oras na”, “Lolo Jose”, “Sierra Madre” at marami pang iba.

Sa edad na 73, tuluyan nang nagpaalam si Coritha na sumikat sa taglay niyang matamis na boses at magandang mukha ilang buwan lamang matapos na maipalabas siya sa sumisikat na YouTube vlog ng broadcaster na si Julius Babao.

Marami ang nalungkot at naawa sa naging kapalaran ni Coritha, tunay na pangalan: Socorro Avelino, dahil sa YouTube nakita siyang paralisado na dahil sa mga sakit na dulot ng stroke.

Ang vlog ay sinimulan ipalabas noong Hulyo lamang.

Nagpadala ng pinansyal na tulong ang mga tagahanga at mga dating kasamahang mang-aawit nagmahal sa mga kanta’t katauhan ni Coritha.

Ang balita ng pagkamatay niya ay galing sa kanyang partner na Chito Santos.

Sa pahayag ni Santos kay Babao, ipinaalam niya ang mga huling sandaling buhay ni Coritha na sumikat 1970’s hanggang 1980’s.

Ayon kay Santos, nasa tabi niya at mga nagmamahal kay Coritha habang nanghihina at mawalan na ng hininga ang manganganta.

“Nakita ko siyang hirap na hirap. Hindi ko nakayanan ang makita siyang ganoon," sinabi ni Santos.

Ipapa-cremate ang mga labi ng singer, ayon kay Santos.

Tumira si Coritha sa Tagaytay matapos na matupok ng apoy ang kanyang bahay noong 2018.

Naging protest song noong panahon ng pamamahala ni pumanaw nang Presidente Ferdinand Marcos ang kantang “Oras na.”

Photo from genius.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page