top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Cardinal Tagle, isa sa walong may malaking pag-asang humalili kay Pope Francis

4/21/25, 11:01 AM

Ni Samantha Faith Flores

Matapos madeklara ang pagpanaw ni Pope Francis, humati naman sa atensyon ng mundo ang pagpili ng kanyang kahalili.

Walong opisyal ng iglesia Katolika ang nasa listahan, ngunit ang dating arsobispo ng Maynila, si Cardinal Luis Antonio Tagle, ang isa sa tatlong pangunahing kandidato.

Ayon sa mga eksperto sa Vatican City, walang tiyakang pormula kung sino ang mapipili. Kahit noong tumaas ang pangamba na mamamatay na si Pope Francis, wala naman kahit isang kandidato ang masasabing sigurado na para mahirang na susunod na pontiff.

Bago nahalal si Pope John Paul II, na isang Polish, halos lahat ng mga namuno sa Roman Catholic Church ay mga Italyano. Sa 266 papa, 217 sa mga ito ay tubong Italy na kalapit bansa ng Vatican.

Ngunit isa umano ang sigurado sa pagboto ng kapalit ng susunod na lider ng simbahan Katolika - maglalabanan ang kandidato ng mga konserbatibo at mga progresibong katulad ni Pope Francis.

1. CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE

Si Cardinal Tagle ang isa sa mga progresibong lider simbahan na may mataas na pag-asang humalili sa minahal ng mundo na si Pope Francis. Malaki ang pagkakahawig ng pag-uugali nina Pope Francis at Cardinal Tagle na tinawag na "Francis of Asia".

Bukod sa pagiging palabiro at may progresibong pananaw, mapagmahal sa mahihirap sina Tagle at Francis. Galing sa mahirap si Tagle, ang kanyang pag-aaral para maging pari, siya ay sinuportahan ng Knights of Columbus ng Pilipinas.

Paborito umano ni Pope Francis si Tagle bilang kanyang kahalili. Katunayan inilagay ng papa ang Pilipinong kardinal sa bagong tayong dicastery for evangelization.”

2. ARCHBISHOP PETER ERDO NG ESZTERGOM-BUDAPEST.

Isang konserbatibo na inaasahang maging pangunahing kandidato ng grupong ito. Si Erdo ay isang kardinal mula sa Hungary.

Marami ang humahanga kay Erdo sapagkat isa siyang experto sa canon law ng simbahan.

Malaki ang paniniwala ng maraming lider ng simbahang Katoliko na nararapat nang ibalik sa pagiging konserbatibo ang liderato ng simbahan, taliwas sa ipinairal ni Pope Francis na liberalismo.


3. CARDINAL PIETRO PAROLIN

Kasalukuyang secretary of state ng Vatican si Parolin na isang Italyano. Dahil sa kanyang puwesto at sa kanyang pagigiing foreign affairs adviser ng papa, isa si Parolin sa paboritong susunod na lider ng Vatican.

“He’s been the brains behind Pope Francis’ international diplomacy. He doesn’t put a foot wrong,” ayon kay Fr. Thomas Reese na isang Amerikanong pari.

Ngunit nagkaroon ng bahid ang pangalan ni Parolin nang magkaroon ng isang scandal tungkol sa mga ari-arian ng Vatican. Palpak umano ang pagkahawak niya ng pagbili ng isang dating Harrods showroom sa London at ilang milyong euros din ang nalugi sa simbahan.

IBA PANG MGA KANDIDATO

Sa mga progresibo mag-isip si Cardinal Jose Tolentino Calacade Mendonca na isang Portuguese ang malapit din sa yumaong Papa.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page