top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Biskwit na gawa umano noong 1940 natuklasan sa freezer

10/14/24, 3:35 AM

Ikinagulat ng isang pamilya sa Staunton, Virginia ang pagkakatuklas nila ng isang biskwit sa freezer ng kanilang yumaong lola.

Ang siste, natagpuan ang lumang-lumang biskwit sa freezer door habang nililinis ng pamilya Wiseman ang refrigerator ng kanilang lolang si Phyllis Nicholas Porter.

Pumanaw ito sa edad na 90 nitong Setyembre 2.

Ayon kay Andy Wiseman, apo ni Phyllis, natagpuan ang biskwit na nakabalot sa isang papel na may nakasulat na, "Biscuit made by Mrs. Dora L Chambers in August 1940 at the Blankenship home."

Sa pagtatanong ni Andy sa kapatid ni Phyllis na si Sally, nalaman niyang ang biskwit ay pag-aari ng kapatid ng kanilang lola na si Harold.

"It turned out to be my grandmother's brother, Harold. It was his first wife's family's biscuits," salaysay ni Andy sa Fox News.

Batay sa isang newspaper clipping na ipinakita ni Andy sa Fox News, pumanaw si Dora noong 1940, ang parehong taon kung kailan ginawa ang biskwit.

Naniniwala si Andy na ang naturang biskwit ay kabilang sa huling batch na ginawa ni Dora, pero hindi nila matukoy kung bakit itinago ito ng kanyang lola sa loob ng walong dekada.

Bagaman ikinagulat nila ang natuklasan, ipinagpapasalamat daw ng kanilang pamilya na nahanap nila ang biskwit.

"It's been a lot of fun to talk about the family history. It's been a lot of fun to talk about my grandmother. We all really loved her and we miss her a lot," saad ni Andy.

Sa ngayon ay nakatago pa rin sa freezer ng kanilang lola ang nasabing biskwit at wala raw silang planong itapon ito.

PHOTO CAPTION: Photo courtesy of Fox News

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page