

HEADLINES
BIR pinalawig ang deadline sa tax filing ng online sellers

4/17/24, 3:40 AM
Iniurong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa paniningil ng one percent withholding tax sa mga online seller.
Sa inilabas na Memorandum Circular no. 54-2024 ng BIR, ang mga electronic marketplace operator at digital financial services provider ay mayroong hanggang Hulyo 14 para gumawa ng mga kinakailangang pagsasaayos bago magsimula ang aktwal na pagpapatupad ng withholding tax.
Matatandaan na unang itinakda ang deadline ng BIR ay noong Abril 14.
Noong nakaraang taon, bumalangkas ang BIR ng isang regulasyon na nagpapataw ng one percent withholding tax sa kalahati ng kabuuang remittances na ginawa ng mga e-marketplace operators at digital financial services providers sa mga merchant.
Ang kabuuang remittance ay tumutukoy sa kumpletong halaga na natanggap ng mga operator o provider na ito mula sa mga transaksyong isinagawa sa kanilang mga platform.