

HEADLINES
Big time na pagtaas ng presyo ng langis sisimulan Pebrero 20

2/19/24, 4:30 AM
Mabilis na winakasan ng mga oil companies ang tinamasang ginhawa ng mga motorista nang mag-anunsyo ang mga ito ng pagtaas ng kanila mga produkto simula Martes (Pebrero 20).
Sa iba’t-ibang anunsyo, sinabi ng mga mangangalakas sa industriya ng petrolyo na ang presyo ng bawat litro ng gasoline ay aakyat ng PHP1.60 samantalang PHP1.10 naman ang dagdag sa krudo.
Tataas din ang presyo ng gaas o kerosene ng PHP1.05 bawat litro.
Noong nakaraang Martes, ibinagsak ng mga kumpanyang langis ang kanilang presyo matapos ang sunod-sunod na dagdagk presyo simula pa noong Disyembre.
Ayon kay Rodela Romero, director ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau, ang malaking pagtaas ng presyo ng mga produktong langis ay dahilan sa kaguluhan sa Red Sea at Suez Canal kung saan napatigil o napabagal ang paglayag ng mga barko.
Sinisisi rin ang patuloy na labanan sa Gitnang Silangan
Dagdag pa dito ang naging desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang produksyon ng 2.2 million barrels per day.