

HEADLINES
Big-time fuel hike asahan na dahil sa labanan ng Israel at Iran

6/14/25, 12:49 PM
Aabot sa halos PhP2 piso ang dagdag presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes dahil sa patuloy na palitan ng missile attacks ng Israel at ng Iran.
Sinimulan ng Israel ang pag-atake sa mga military at nuclear facilities ng Iran nitong Biyernes at agad naman gumanti ng missile fire ang Iran.
Nangangamba ang Department of Energy na malaki ang magigiing epekto sa presyo ng langis ng labanan kung hindi makakahanap ng solusyon upang magkaroon ng agarang ceasefire.
Ang projections ng presyo ng mga produktong petrolyo ay ibinase sa katatapos na trading days sa Mean of Platts Singapore nitong linggo.
Ang inaasahang price adjustment na magsisimula sa June 17:
Gasolina: PhP1.70 - PhP P1.90 dagdag sa bawat litro
Krudo: PhP1.70 - PhP1.90 dagdag sa bawat litro
Kerosena: PhP1.40 - PhP1.60 dagdag sa bawat litro
Ang tensyong geopolitical ng Israel at Iran ang pangunahing dahilan ng inaasahang dagdag presyo.