top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Batikang Direk Tikoy Aguiluz pumanaw, 72

2/19/24, 11:00 AM

Kinumpirma ng pamilya ang pagpanaw ng batikang direktor ng pelikula na si Amable “Tikoy” Aguiluz sa edad na 72.

Sa pahayag ng pamilya Aguiluz nitong Lunes (Pebrero 19), malungkot na inanunsyo ang paghingi ng dasal at pag-alala mula sa mga kaibigan at kapamilya ng respetadong direktor.

Hindi naipahayag kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Tikoy.

“With heavy hearts, we announce the peaceful passing of our beloved Amable “Tikoy” Aguiluz VI or Direk Tiko to most of us. While we grieve this loss deeply, we kindly ask for your understanding as we choose to mourn in private for the time being,” sinabi ng pamilya sa isang obitwaryo.

Nangako naman ang mga Aguiluz na ide-detalye ang lamay at libing kapag hand ana sila.

“We assure you that once we are ready, we will share details about a public service where all who knew and loved Direk Tikoy can join us in paying tribute and saying our final goodbyes,” dagdag ng pamilya.

Nagluksa ang Directors Guild of the Philippines (DGPI) at Film Development Council of the Philippines na nagpahayag ng paghanga at pagkilala sa mga naging kotribusyon ni Direk Tikoy sa pag-unlad ng industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Ayon sa DGPI si Tikoy ang nagtatag ng Cinemanila International Film Festival at naging direktor ng mga pelikulang Boatman, Manila Kingpin at Segurista.

Sa Facebook page ng DGPI sinabi ng Samahan: “Direk Tikoy is a visionary, a maverick and a true champion of Philippine Cinema.”

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page