top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Barko na ume-escort sa mangingisda sa Recto Bank binuntutan ng barko ng China

4/7/24, 7:11 AM

Binuntutan at pinalibutan ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Pilipinas na patungo sana sa Recto Bank sa West Philippine Sea para mangisda noong Huwebes, Abril 4.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), unang sinundan ng dalawang barko ng China na may tail number "21551" and "21556" ang BRP Lapu-Lapu ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsisilbing escort ng mga mangingisdang Pinoy na patungo sa Recto Bank.

Sabi ng PCG, tinakot din ng CCG vessels ang mga Pilipinong mangingisda na gagamitin nila ang water cannon para itaboy ang mga ito.

Bukod dito, pinalibutan ng mga barko ng CCG ang bangka ng mga mangingisdang Pilipino.

Matagumpay pa rin namang nailagay ng mga mangingisda ang bamboo rafts na ginagamit sa pangingisda sa guyot.

Ayon sa PCG, ang pinakabagong agresyon ng China sa WPS ay nagpapakita ng layunin nitong tanggalan ng access ang mga Pilipino sa likas-yaman na matatagpuan sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Ang Recto Bank ay nasa loob ng EEZ ng bansa o 200 nautical miles mula sa baybayin ng bansa.

"This aggressive action stems from China's greed and unfounded claim that these waters belong to them based on their imaginary dashed line," saad ng PCG.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page