top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Babae umamin sa pagpaslang sa kapatid na balikbayan at anak na Haponesa

3/18/24, 6:59 AM

Umamin na umano ang kapatid na babae sa pagpaslang sa balikbayang ina at kanyang Haponesang anak na nai-report na halos isang buwan nang nawawala.

Inaresto na ng mga pulis si Ligaya Pajulas matapos na umamin sa krimen at magtangkang magpakamatay nang madiskubre ang katawan ng mga pinatay.

Tatlo pang persons of interest, kasama ang asawa ni Pajulas na si Charlie, ang pinaghahanap ng pulisya.

Nahukay ang mga bangkay nina Lorry Litada, 54 at ang kanyang anak na si Motegi Mai na inilibing sa likurang bahagi ng bakuran ng pamilya Pajulas sa isang subdivision sa Tayabas, Quezon noong Biyernes (Marso 15).

Natagpuan din ang kanilang suitcase na lumulutang sa ilog ng Tayabas. Sa loob nito ay mga bagay na pawang nabahiran ng dugo.

Hawak na ng pulisya ang mga CCTV footage kung saan nakitang tangan ng mga suspek ang suitcase habang sila ay nakasakay sa isang tricycle.

Ang mag-iina ay pinagsasaksak at pinagpapalo ng matigas na bagay hanggang mamatay. Ang kanilang pagkawala ay inireport ng isa pang kapatid ni LItada noong Marso 9.

Bagamat inilathala na ng foreign media ang umano’y pangungumpisal ng suspek, mariin pa rin itong pinabulaanan ng pulisya.

Ang tanging inaamin ng mga imbestigador ay ang paghahanap nila sa apat na POI.

Ayon sa pulisya kararating pa lamang sa Pilipinas ng mag-ina noong Pebrero. Pabalik na sana sila sa Japan noong unang linggo ng Marso ngunit pareho silang hindi nakasakay sa eroplano.

Bago nawala, napag-alaman na may perang nagkakahalaga ng P5 milyon ang mag-ina. Ang pag-iinteres sa pera ang sinisilip na motibo sa krimen.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page