top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Approval, trust ratings ni Marcos bumulusok; VP Sara malaki ang itinaas

4/16/25, 5:31 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Patuloy na namamayagpag si Vice President Sara Duterte bilang pinaka-pinagkakatiwalaan at pinaka-kapuripuring opisyal ng pamahalaan ayon sa Ulat ng Bayan Survey ng Pulse Asia.

Sa resulta ng survey na ipinalabas ng polling firm nitong Miyerkules (Abril 16), wala pa sa kalahati ng porsiyento ni Duterte na 59% ang nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 25% lamang na approval rating.

Pangalawa sa may mataas na approval rating si Senate President Francis Escudero sa kanyang 39%, mababa ng eksaktong 20% sa nakuha ng ikalawang pangulo.

Kulelat si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nakakuha ng 14 porsiyento.

Si Romualdez naman ang may pinakamataas na disapproval rating na 54% na mas mataas lamang ng isang puntos sa kanyang pinsan na si BBM na may 53%.

Pinakamababa ang disapproval rating ni Duterte na 16% habang si Escudero ay 18%.

Sa pagtitiwala ng mga Filipino, si Duterte ang nakakuha ng pinakamataas na antas sa 61%, kasunod ni Escudero na may 38 porsiyento.

Nanatiling mababa ang trust rating nina Marcos, 25% at Romualdez, 14%.

Tumaas pa ng tatlong antas ang grado ni Romualdez bilang hindi pinagkakatiwalaang opisyal ng bansa. Umabot ng 57 percent ang kanyang survey point.

Si Marcos naman ay tumaas ng isang puntos sa kanyang 54% bilang hindi pinagkakatiwalaan sa pamahalaan.

Isinagawa ang survey ng Pulse Asia noong Marso 23 hanggang Marso 29. Eksaktong 2,400 Filipino na nasa wastong edad ang lumahok dito.,

Si Duterte lamang ang opisyal na nagpakita ng tumaas na performance rating. Pitong porsiyento ang naidagdag mula sa 52% noong February 2025 at 59 percent noong Marso 2025.

Bumulusok naman ang mga ratings nina Marcos at Escudero sa kategorya ng approval rtings habang tumaas naman ang kanilang disapproval scores.

Bagamat pinakahuli, hindi nagbago ang approval ratings ni Romualdez bagamat malaki ang itinaas ng kanyang disapproval rating, ayon sa datos ng Puse Asia.

Isinagawa ang nasabing survey isang buwan matapos na pangunahan ni Romualdez ang Kamara de Representante ang pag-impeach kay Duterte.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page