top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Apat na sundalong nagkakawanggawa para sa mga Muslim patay sa ambush sa Maguindanao

3/17/24, 10:47 AM

Apat na sundalong nagdadala ng pagkain para sa mga nag-aayunong mga Muslim ang namatay sa ambush na isinagawa ng mga hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiya sa bayan ng Datu Hofer Ampatuan noong Linggo (Marso 17) ng umaga.

Agad kinondena ni Maj. Gen. Alex Rillera, kumander ng Army 6th infantry Division, ang pag-atake sa mga sundalo na kagagaling lamang sa palengke upang mamili ng pagkain para sa mga nag-aayunong mga Muslim dahil sa Ramadan.

Pabalik na sa kanilang kampo ang apat na sundalo nang atakihin sila bandang alas-10 ng umaga sa Barangay Tuayan.

Tatlo sa mga nasawi ay mga miyembro ng PA 40th Infantry Battalion. Ang ika-apat naman ay taga 3rd Army Cavalry, na pawang mga nasa ilalim ng 601st Infantry Brigade.

“The soldiers were doing community service when attacked,” sinabi ni Rillera.

Bukod sa mga suplay para sa kampo, pinabili rin ang apat na sundalo ng pagkain para sa “Iftar” ng mga Muslim na nakatira malapit sa kampo.

Ang “iftar” ay a panahon na pinapayagang kumain ang mga nag-aayuno. Ito ay nangyayari matapos ang dapit-hapon sa banal na buwan ng Ramadan.

Ayon kay Brig. Gen. Oriel Pangcog, hepe ng 601st Brigade, mga teroristang DI ang nasa likod ng pag-atake sa mga sundalo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page