top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

85-Anyos na lolang pumatay sa nanloob sa bahay, hinirang na bayani

4/12/24, 6:39 AM

Bagamat nakapatay ng tao, isang 85-anyos na ina ang hinirang na isang bayani ng tagausig na naatasang magsampa ng demanda sa senior citizen, ayon sa report mula sa Idaho, USA nitong Biyernes (Abril 12).

Si Christine Jenneiahn na tanging inaasahan ng kanyang paralisadong anak na lalaki ay masasakdal sana sa salang pagpatay kay Derek Condon sa Bingham County, Idaho, ngunit ayon sa taga-usig makatwiran umano ang pagbaril ng matanda kay Condon.

Ayon kay Prosecutor Ryan Jolley “justifiable homicide” ang ginawang pagpaslang ni Jenniah nang barilin niya si Condon matapos na pasukin nito ang bahay ng mag-inang Jenniah bandng alas-2 ng umaga noong Marso 13.

Armado umano si Condon, 39 nang pasukin niya ang bahay ng mga Jenneiahn upang pagnakawan.

Nakasuot ng ski mask at military jacket si Condon nang magtangkang magnakaw ngunit nagising si Jenneiahn.

Paniwala ng mga imbestigador nakahiga pa sa kama si Jennieiahn at ito ay hinampas ng baril ni Condon. Nakita ng mga pulis ang dugo sa unan ng lola.

Matapos ito, pinosasan umano ni Condon ang matandang babae,hinila papunta sa sala ng bahay at pilit pinaturo kung saan inilalagay ng biktima ang mga alahas at iba pang mga mahahalagang pag-aari ng matanda.

Sa pagbaba ni Condon sa ilalim ng bahay dito niya namataan ang paralisadong anak ni Jenneiahn. Dito nagalit ang armadong lalaki at paulit-ulit itong nanakot na papatayin ang mag-ina.

Dahil sa pananakot na natanggap sa armadong lalaki, kumuha ng tiyempo ang matanda nang muling bumaba si Condon para maghanap ng mga mananakaw.

Bagamat nakaposas sa silya, buong lakas na hinila ng lola ang kanyang sarili papunta sa kwarto at kinuha nito ang .357 Magnum na itinatago sa ilalim ng kanyang unan, ayon kay Jolley.

Bumalik si Jenneiahn sa dating kilalagyan niya at nang komprontahing muli ni Condon ay agad nitong binaril ang magnanakaw ng dalawang beses. Nakaputok din si Condon at tinamaan niya si Jenneiahn sa tiyan, hita, kamay at dibdib ngunit ligtas ang buhay nito.

Ayon kay Jolley, malinaw na kakampi nio Jenneiahn ang batas sa IDO na nagsasabing walang sinuman ang dapat masampahan ng kaso dahil sa pagprotekta sa sarilli.

“A person may stand his ground and defend himself or another person by the use of all force and means,” pagdidiin ng tagausig.

“That Christine survived this encounter is truly incredible. Her grit, determination and will to live appear to be what saved her that night,” sinabi ni Jolley.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page