top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

78-anyos na lalaki suspek sa pagpatay sa sariling anak

4/16/24, 11:19 AM

Isang 78-anyos na lalaki sa Greensboro, North Carolina sa United States ang inaresto ng mga awtoridad matapos umanong barilin ang kanyang sariling anak.

Sa ulat ng online news website na WXII, nakatanggap ng tawag ang Greensboro Police Department mula sa mga nagmagandang-loob na kapitbahay matapos umano silang makarinig ng putok ng baril sa apartment ng mag-ama bandang 11:23 p.m. noong Sabado.

Pagdating ng mga pulis sa nasabing apartment, natagpuan daw nila ang armadong lalaki na kinilalang si Larry Wendell Hilliard.

Sumuko ito sa mga awtoridad at nasa custody na nila sa Guilford County Jail sa kasalukuyan para imbestigahan.

Naroroon din sa apartment ang bangkay ng anak ng suspek na si Larry Todd Hilliard, 56.

May tama ito ng baril.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder at assault.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng krimen at kaugnay na pangyayari.

Hindi na rin nabanggit sa ulat kung ano ang dahilan ng pagkakabaril ng suspek sa kanyang sariling anak.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page