top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

74-anyos na babae akusado sa armed bank robbery sa New Jersey

4/29/24, 7:40 AM

Isang 74-anyos na babae ang inaresto matapos umanong nakawan ang isang bangko sa Fairfield, New Jersey noong nakaraang linggo.

Kinilala ang suspek na si Ann Mayers, na ayon sa mga awtoridad ay pumasok sa AurGroup Credit Union sa 3085 Creekside Drive nang may dalang baril at saka nanghingi ng pera.

Matapos ang nakawan ay tumakas si Mayers gamit ang isang pilak na 2014 Hyundai Elantra.

Sa ulat ng news website na Journal News, natagpuan ng mga pulis si Mayers sa kanyang tahanan sa 1200 block ng Parrish Avenue sa Hamilton.

Natagpuan doon ang getaway car at baril na ginamit niya sa pagnanakaw.

Nakatakdang sampahan si Mayers ng aggravated robbery with a firearm, pati na rin ang tampering with evidence.

Umamin si Mayers sa pagnanakaw at nasa kustodiya na siya ngayon ng Butler County Jail.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page