top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

70 taong love letter natagpuan: "People just don't write things like that nowadays"

2/23/24, 5:35 AM

Ni MJ Blancaflor

Natuklasan ng isang lalaki sa Michigan mula sa isang toolbox ang mga lumang liham ng pag-ibig ng isang US Air Force veteran na isinulat pitong dekada na ang nakalilipas.

Ibinahagi Rick Trojanowski sa FOX 17 Michigan News ang kwento sa likod ng pagkakatuklas niya ng mga liham.

Noong 2017, binili raw niya ang toolbox sa isang farm. Nagulat daw siya nang makita sa loob nito kamakailan ang mga sulat ng isang Corporal Irvin G. Fleming mula San Francisco, California para sa isang Mary Lee Cribbs na taga-Grand Rapids, Michigan.

"It's almost like a true love story. People just don't write things like that nowadays; it's almost like poetry," sabi ni Trojanowski.

Tungkol daw ang mga sulat sa paghihiwalay ng magsing-irog noon na sina Fleming at Cribbs nang dahil sa panglilingkod ng lalaki sa Air Force.

Sa sulat, ibinunyag ni Fleming na hindi siya nakarinig mula kay Cribbs ng mensahe sa loob ng limang buwan — matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Lubos daw siyang humingi ng paumanhin at ipinahayag ang ganito: "Mary, I need you so very much … and I know that I'll always love you."

Sabi pa ni Fleming, mabagal ang takbo ng mga araw na hindi niya kapiling si Cribbs.

Ang muli raw nilang pagkikita ang magiging pinakamasayang araw ng kanyang buhay.

Hinanap ng FOX 17 Michigan News ang pamilya ni Cribbs at nakilala si Abby, apo sa pamangkin nito.

Kwento ni Abby, hindi raw naikwento sa kanila ang isang Corporal Fleming.

Ikinasal din daw ang kanyang lola sa iba at nanirahan na mula noon sa San Jose, California. Doon na rin daw namayapa ito.

Samantala, napag-alaman ng FOX 17 Michigan News na ikinasal si Corporal Fleming sa iba at pumanaw noong 2017 sa Hudsonville, Michigan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page