top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

46 na party-list group minamataang mananalo sa halalan sa Mayo 12

5/7/25, 7:45 AM

Ni Tracy Cabrera

INTRAMUROS, Maynila — Inaasahang 46 na mga party-list group ang makakapasok at lima rito ang sinasabing magkakakuha ng maximum na tatlong puwesto sa Mababang Kapulungan at pito naman ang dalawa, batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Kapag magtuloy at nanatili ang mga ito sa naitalang nilang istatistika, mahihigitan ang resulta noong 2022 na kung kailan ay nag-iisa ng party-list lamang ang nagkaroon ng safad na tatlong kinatawan sa Kamara.
If the trend holds, this would surpass the 2022 results, where only one party-list managed to obtain three seats.

Ang limang party-list, na pawang mga incumbent, na Inaasahang makakakopo ng tatlong posisyon sa ika-20 Kongreso ay ang Duterte Youth, Agimat, ACT-CIS, 4Ps at Senior Citizens na nagtala ng 4 hanggang 6 na porsyentong suporta mula sa 83 porsyento ng rehistradong botante.

Ang pito namang susuwertehing magkakakuha ng tig-2 puwesto sa Mababang Kapulungan sa naitalang 2 hanggang 3.63 porsyentong suporta ay ang Tingog, Uswag Ilonggo, PPP, Nanay, Ako Bicol, Asenso Pinoy at Ako Bisaya. Apat sa mga ito ang incumbent habang tatlo ang baguhan.

Ang nanganganib na malalaglag ay ilang mga incumbent party-list group, kabilang ang Gabriela Women’s Party, Akbayan at Bagong Henerasyon. Kapag nangyari ito, mababasag ang matagal na pamamayagpag ng Gabriela na palagiang nakakapagluklok ng kahit isang kinatawan sa Kamara simula pa noong 2004.

Ayon kay Gary Dionisio, dean ng Benilde School of Diplomacy and Governance, nakakitaan ng paglihis sa pagtahak ng pangangampanya sa hanay ng mga party-ngayong 2025 midterm elections. Ang dating platform-based system na nakasentro sa mga prinsipyo at programa ay natuon na sa personalidad.

Sinabi pa ni Dionisio na mula sa pagdomina ng mga regional group sa kani-kanilang baluwarte, lutang ang lumalaganap na 'face-politics' sa mga grupong gumagamit ng endorsement mula sa mga celebrity at social media influencer.

“So, somehow, it erodes the purpose of party-lists, which is really to promote the platform . . . So people have to recall the familiarity because the political parties are being associated with the person,” pinunto ng akademiko sa press briefing kamakailan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page