

HEADLINES
38 porysento ng mga Pinoy naniniwalang walang asenso sa pamumuhay

10/28/24, 3:24 AM
Ni Tracy Cabrera
Tatlumpu’t walong porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang walang asenso sa kalidad ng kanilang pamumuhay, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa kabila nito, 37 porsyento naman ang nagpahayag ng pagbuti ng kanilang kalagayan habang 24 na porsyento ang nagsabing lalo pang lumubog sila sa kahirapan.
Napagalaman din sa SWS survey na 22.9 porsyento ng mga pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger o gutom nang hindi bababa sa minsan sa loob ng tatlong buwan.
Nilinaw ng SWS ang kategoryang ‘involuntary hunger’ bilang pagkagutom na walang maihaing pagkain para sa mga miyembro ng isang pamilya.
Bukod sa mga nabanggit na resulta ng pag-aaral, lumitaw din na 59 na porysento ng mga Pilipino ang naniniwalang sila’y mahihirap habang 13 porsyento ang nagsabing hindi sila mahirap.