top of page


HEADLINES
131 LGUs nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño

5/1/24, 3:46 AM
Tinatayang nasa 131 local government units (LGU) na ang nagdeklara ng state of calamity sa gitna ng tumitinding init dahil sa El Niño phenomenon.
Kabilang sa mga LGU na ito ang Mindoro, Antique, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao del Sur, Maguindanao Del Norte and South Cotabato.
Ito ay ayon kay Task Force El Niño spokesperson Joey Villarama.
Ang mga lalawigang nasa ilalim ng state of calamity ay maaaring mag-access ng kanilang quick response fund.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na posibleng umabot sa Hulyo ang El Niño.
Pagkatapos nito ay magsisimula na ang La Niña, kung kailan inaasahan ang malalakas na bagyo at ulan.
Nasa 14 na bagyo inaasahang darating sa bansa hanggang Disyembre, ayon sa PAGASA.
Comments
Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page