top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

12 pamilyang Pilipino pumapalagay na sila ay mahirap -SWS

4/25/24, 8:03 AM

Mayroon 12.9 milyon na pamilyang Pilipino sa unang quarter ng 2024 ang nagpapalagay na sila ay mga mahihirap, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Ayon sa SWS ang sinabing dami ng mahihirap ay halos parehas lamang sa dami ng Pilipinong may pakiramdam na sila ay mahirap noong ika-apat na quarter ng 2023.

Bagamat naniniwala ang pamahalaan na gumanda ang ekonomya at naging maaliwalas ang buhay ng mga PIlipino 46 porsiyento pa rin sa sambahayang Pilipino ang sumasang-ayon na sila ay maralita.

“Compared to December 2023, the percentage of poor families hardly changed form 47 perfcent, while borderline families barely moved from 33 percent and not poor families rose slightly from 20 percent,” ayon sa report ng SWS.

Ang survey ay isinagawa ng SWS noong Marso 21 hanggang 25.

Sa pag-aaral, sinabi ng SWS na nagkaroon ng pagbaba ng isang porsiyento sa “self-rated poor” sa buong kapuluan noong Disyembre 2023 hanggang Marso 2024. Ito ay iniuugnay sa manipis na pagbaba sa Mindanao at Metro Manila.

Nagkaroon naman ng pagtaas -mula 58 hanggang 64 porsiyento- sa Visayas. Ang Balance Luzon naman ay halos hindi nagbago at nagtala ng 39 hanggang 38 na numero.

Ayon sa SWS, sa 12.9 milyong pamilyang Pilipinong nakakadama ng kahirapan, 1.7 sa kanila ay kinilalang “newly poor” o bagong mahirap.

1.5 milyon naman sa mga pamilya ang kadalasang mahirap at 9.7 milyon naman ang lagi nang mahirap.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page