top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

1 patay, 52 sugatan sa pagbagsak ng bahagi ng simbahan sa Bulacan

2/15/24, 6:50 AM

Ni MJ Blancaflor

Patay ang isang senior citizen habang 52 naman ang sugatan matapos bumagsak kahapon ang pangalawang palapag ng St. Peter Apostle Parish Church sa Bulacan, na ayon sa mga awtoridad ay dahil sa anay.

Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng pumanaw na 80-anyos na babae na kinilalang si Luneta Morales, na naroroon sa simbahan sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte para sana magpalagay ng krus sa noo bilang paggunita sa Ash Wednesday.

Nagpaabot na ng pakikiramay at panalangin si Malolos Bishop Dennis Villarojo sa mga mahal sa buhay ng biktima.

"We pray for the eternal repose of the faithful departed and we offer our sincere condolences and assurance of assistance to the family. As we pray for healing and consolation to all those affected, we invoke the consoling motherly care of the Blessed Virgin Mary and the steadfast faith of St. Peter," sabi niya sa isang pahayag.

Ayon sa mga saksi, nakapila noon ang mga mananampalataya para magpalagay ng krus sa noo nang biglang may marinig na tilian bago tuluyang gumuho ang bahagi ng palapag ng simbahan na gawa sa kahoy dakong alas-7 ng umaga.

Ipinag-utos na ni Bulacan Mayor Arthur Robles ang pag-iimbestiga sa sanhi ng insidente at pagsusuri kung maaari pang pagmisahan ang istruktura.

Sa ngayon, isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ay ang pagiging marupok ng palapag dahil sa anay.

Nagpapagaling na ngayon ang 52 katao na sugatan sa insidente at sasagutin na ng lokal na pamahalaan ang gastusing medikal nila.

"Suwerte lang din po na yung pagkabagksak niya, hindi yung totally na bagsak nang buo kundi nagdahan-dahan. Nakatakbo po yung ibang tao," sabi ni Mayor Robes sa panayam sa ABS-CBN News.

"Mayroong mga napilayan, nasugatan," dagdag ng alkalde.

Suspendido muna ang lahat ng Misa sa St. Peter Apostle Parish Church na kinordon din ng mga awtoridad habang patuloy ang imbestigasyon at clearing operation.

Iniinspeksyon na rin ang lahat ng simbahan sa bayan para masiguro ang kaligtasan ng mga mananampalataya.

Comments

Jaa ajatuksesiKirjoita ensimmäisenä kommentti.
bottom of page