top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

73 taong babae patay sa sunog sa Batangas City

2/23/24, 5:50 AM

Namatay ang isang 73 taong babae nang matupok ng sunog ang kanyang bahay sa Batangas City noong umaga ng Huwebes (Pebrero 22).

Kinilala ng mga arson investigators ang biktima na si Ludivina Espiritu nakatira sa Purok 6, Barangay Calicanto.

Ayon sa mga testigo nagsimula ang sunog bandang 6:30 ng umaga na nanggaling sa bandang kusina ng bahay ng biktima. Inabot din ng sunog ang katabing bahay nito.

Natagpuan ng mga bumbero ang mga labi ni Espiritu matapos na magsagawa ng clearing operations mga 20 minuto nang maapula ang sunog.

Hindi pa alam ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog na tumupok sa tinantiyang PPHP500,000 halaga ng mga ari-arian

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page