top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

'Partial victory': Mga drayber ikinatuwa ang pag-urong ng PUV consolidation deadline

1/25/24, 4:45 AM

Bagamat ikinatuwa ng mga tsuper na binigyan pa sila ng pamahalaan ng tatlong buwan para sa franchise consolidation ng mga pampasaherong jeep, hindi pa rin daw sila titigil sa kanilang panawagan na kanselahin ang PUV modernization program hangga't hindi pa progresibo ang mass transport system ng bansa.

Inanunsyo kagabi ng Malakanyang na iniurong ni Pangulong Marcos sa Abril 30 ang deadline ng PUV franchise consolidation, ayon na rin sa rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Dati nang itinakda ng gobyerno ang deadline ng franchise consolidation nitong Disyembre 31 ng nakaraang taon. Kung nagkataon, lahat ng jeep na hindi na-consolidate ay idedeklarang kolorum simula Pebrero 1.

Tinawag ng transport group na PISTON na "partial victory" ang deadline extension.

"Our relentless collective action and determination to defend our public transport has compelled the Marcos regime to extend the deadline for franchise consolidation to April 30," sabi ng grupo.

Pero nagbabala ito: "However, a deadline extension is not enough. PISTON will continue mobilizing until the corporate-driven PUV modernization program is repealed and until a progressive public mass transport system is in place."

Sabi naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), susunod sila sa direktiba ng Pangulo ukol sa bagong deadline.

Hinikayat din nila ang mga jeepney operator at driver na gamitin ang pagkakataong ito para i-consolidate ang kanilang mga prangkisa.

May agam-agam ang ilan na magkukulang ang masasakyan lalo sa Metro Manila kapag may mga jeep na hindi na mamamasada habang ipinatutupad ang PUV modernization program, pero nauna nang sinabi ng LTFRB na handa raw silang mag-deploy ng "rescue vehicles" sa mga rutang kulang ang sasakyan.

Kumpyansa rin silang sapat ang mga alternatibong masasakyan tulad ng tricycle, UV Express, mga tren at TNVS.

Comments

Deel je gedachtenPlaats de eerste opmerking.
bottom of page