top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

'May ABS pa ba?': Jake Ejercito nagpatutsada kay Dennis Trillo

7/9/24, 4:58 AM

Usap-usapan ngayon sa social media ang topless photo ni Jake Ejercito kung saan nai-flex niya ang kanyang abs.

Nilagyan niya ito ng caption na, "May ABS pa ba?" at ng mga link sa kanyang Instagram at TikTok accounts.

Tila pasaring ito kay Kapuso actor Dennis Trillo, na nag-trending kamakailan matapos niyang itanong sa isang netizen kung may ABS-CBN pa ba.

Nag-ugat ang isyu matapos may mag-comment sa TikTok post ni Dennis upang usisain kung bakit wala ang misis niyang si Jennylyn Mercado sa inilabas na station ID ng GMA-7 kamakailan.

"Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma’am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN (ABS-CBN)," tanong ng isang netizen.

Sagot dito ni Dennis, "May ABS pa ba?"

Hindi nagtagal, inanunsyo ng manager ni Dennis na na-hack daw ang TikTok account ng "Pulang Araw" star.

Deleted na rin ang nasabing komento.

Comments

分享您的想法率先撰寫留言。
bottom of page