

HEADLINES
'It's Showtime' eere na sa GMA-7 simula April 6

3/21/24, 9:08 AM
Ni MJ Blancaflor
Sinelyuhan na ng GMA Network at ABS-CBN executives ang kasunduan para umere ang variety show na "It's Showtime" sa GMA-7 simula April 6.
Present sa contract signing ceremony noong Miyerkules, Marso 20, sa GMA Network Center sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez at President Carlo Katigbak at GMA Network Chairman Felipe L. Gozon at CEO Gilberto Duavit Jr.
Tinunghayan ng "It's Showtime" hosts sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis
Vhong Navarro, Kim Chiu, at Ogie Alcasid ang seremonya.
Naroroon din sina Jhong Hilario, Amy Perez, Karylle, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ion Perez, at pinakabagong host ng programa na si Darren.
Patuloy pa ring mapapanood sa GTV, ang free-to-air television network na pag-aari rin ng GMA Network, ang "It's Showtime" mula Lunes hanggang Sabado mula 12 noon hanggang 2:30 p.m.
Ang pinakabagong kasunduan sa pagitan ng GMA at ABS-CBN ay kasunod lamang ng pagkakahinto ng pag-ere ng "Tahanang Pinakamasaya" produced by TAPE Inc. sa GMA-7 sa naturang timeslot.
Dating nasa Channel 2 ang "It's Showtime" bago mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020. Matapos nito, inere ang naturang palabas sa A2Z at TV5 kasabay ng digital platforms ng ABS-CBN.
Lumipat ang "It's Showtime" sa GTV noong Hulyo 2023 matapos hindi pumayag ang ABS-CBN na magbigay-daan sa "E.A.T" na ngayon ay "Eat Bulaga" nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TV5 tuwing tanghali.