top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

'Gusto akong ipakulong, ipapatay ng aking mga kalaban' — VP Sara

5/7/25, 7:38 AM

Ni Tracy Cabrera

ZAMBOANGA CITY, Zamboanga del Sur — Kumbinsido si vice president 'Inday' Sara Duterte-Carpio sa paniniwalang nais siyang ipakulong at ipapatayo ng kanyang mga kritiko na binansagang niyang mga desperado na dahil sa patuloy niya popularidad sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa anak ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte, may mga indikasyon umanong hindi titigil ang kanyang mga kalaban sa politika na ipakulong siya o dili kaya'y ipapatay siya upang maalis siya sa kanilang landas.

Naniniwala din umano si VP Duterte na dapat na mahabla at panagutan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. (PBBM) ang hindi makatuwirang pag-aresto sa kanyang ama at hayaan yurakan ng dayuhan ang ating soberenya bilang malayang bansa na may kasarinlan at sariling Saligang Batas.

"Desperate people, they can think of the worst things to do. So, yes, I thought that they would never stop until I got jailed or killed. That is the only thing they have not done to me," punto ng pangalawang pangulo.
Bukod dito, naniniwala din umano ito na ang pagpapalabas ng CCTV video ng kanyang kapatid na si Davao City representative Paolo 'Pulong' Duterte na binabantaan at sinaktan ang isang lalaki sa isang bar, at bahagi ng pagtatakip ng administrasyong Marcos Jr. sa mga pagkakamali nito.

"There is a clear pattern from the administration that if they have faults, they divert the issue and the story towards attacking their political opponents," aniya.

Ksasalukuyang kinakampanya ng Bise presidente ang tinaguriang Duter-10 na mga senatorial candidate ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Kumpiyansa umano siya na suportado ng mamamayan ang mga pambato ng kanilang partido subalit nangangamba pa rin siyang baka gamitin ng mga kandidato ng administrasyon ang mga programang pang-ayuda ng pamahalaan upang makumbinsi ang mga botante na pumabor sa mga manok ni PBBM.

Magsasagawa ng 'miting de avance' o panghuling rally para sa Dutert-10 sa Liwasang Bonifacio sa May 8 at lalahukan iyo ni VP Duterte.

"The May midterm elections could provide lessons for the campaign for the presidential election in 2028 (so) we need to think of a strategy for the next election, and this 2025 election is the nearest to 2028 where we can study our moves," kanyang pinunto.



Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page